Angeline Quinto feat. Regine Velasquez - Lipad Ng Pangarap текст песни

Текст песни Lipad Ng Pangarap - Regine Velasquez , Angeline Quinto



Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang-hanggang bukas
Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Katuparan ng iyong pangarap
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi
Tutularan ka ng sunod na saling-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap mo na kay tagal minimithi, whoa
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit
Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay, whoa
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay



Авторы: De Pano Nathanael Arnel, De Pano Arnel


Angeline Quinto feat. Regine Velasquez - Fall In Love Again
Альбом Fall In Love Again
дата релиза
25-03-2012



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.