Asin - Ikaw-Kayo-Tayo текст песни

Текст песни Ikaw-Kayo-Tayo - Asin



Ikaw, ang dahilan ng pagkasira ng mundo
Ikaw, ang dahilan ng salot sa tao
Iyong yaman at sa gabi
Ginagamit sa pang-aapi anong uri ka ng tao
Ikaw, ang itim na tupa ni Kristo
Ikaw, ay masahol pa sa isang demonyo
Mahilig kang manloko ng taong may tiwala sa iyo
Anong uri ka ng tao
Ikaw (Ikaw), ang taong mapagkunwari
Akala mo (Akala mo), akala mo'y isa kang hari
Ngunit hindi mo nalalaman ikaw ay isang basurahan
Yan ang nakikita ko sa iyo
Kayo (kayo), nama'y walang magawa
Doon sa ulap laging nakatanga
At ang bibig ay nakabuka
Walang nagawa laging tulala
Tayo, tayong lahat ay anak ng tao
Tayo, tayo ang lilinis sa duming ito
Kaya dapat ay magising na imulat na ang mata
Upang makita ang totoo



Авторы: Lolita Carbon, Nonoy Pillora Jr., Pendong Aban Jr., Saro Bañares Jr.


Asin - Himig Ng Lahi
Альбом Himig Ng Lahi
дата релиза
15-08-2007




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.