Curse One feat. Lux Breezy - Nabihag Mo, Pt. 2 текст песни

Текст песни Nabihag Mo, Pt. 2 - Curse One feat. Lux Breezy



One night, ako′y nasa tagay session
Kasama ang mga Breezy Boyz, may konting conversation
Kamusta, Dhon, kamusta, Blink?
Kamusta, Lux, kamusta, Slick?
Masaya ako't magkakasama tayo ngayon
Pero paabot muna ng stick ng Marlboro na pula, mali, puti pala
Pero ′di na ako magpapaligoy-ligoy pa
Sabi ko sa 'yo, may sasabihin ako mamaya
Ako'y nahihiya, huwag na lang kaya?
Aaminin ko, inilihim
Kaso mukhang ′di mo talaga ′ko papatulugin
Ang kulit-kulit mo, sabi mo
'Di ka rin makakatulog ′pag 'di ko sinabi ′to sa 'yo
Pero pa′no ko ba sisimulan?
Ako'y talagang kinakabahan
Buti na lamang, kahit na papa'no ay nakahanap ako ng paraan
Malamang ika′y maguluhan ′pag sinabi ko sa 'yo
Mahal na kita, ako ay nabihag mo
Kahit ano′ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa ′kin
Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa ′tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
(Lux Breezy!)
Ipinapangako ko kung makikita kita
Ay hindi na magdadalawang-isip na sabihin na
Ako 'yung dati na sa ′yo′y nakatingin
Pwede ba 'kong lumapit, pwede ko bang sa ′yo tanungin na
'Di ba ikaw ′yung babaeng anghel na dumaan sa 'king harapan?
Para bang nabuang, talagang ganiyan ang pakiramdam ko kasi
Ako′y in-love na at nahulog sa pangalawang pagkakataon
Hindi ko na palalampasin ang bawat yugto
Ng kabanata nating dalawa kung saan una tayong nagtagpo
Ako'y nagulat at biglang napahinto
Nang hinawakan mo ang aking kamay at sabay tayong umupo
Dahan-dahan mong sinabi sa 'kin na
"Gusto rin kita, sana no′ng una inamin mo na
Dahil ayaw ko na sanang magpaligoy-ligoy pa
Sasagutin kita ng "Oo" dahil mahal din kita."
Kahit ano′ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa ′kin
Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa ′tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
Ilang araw na ang lumipas bago pa ′yung gabi na 'yun
Napapansin na kita ngunit ayaw lumingon
Ng puso ko 'pagka′t masyadong mataas
Ang paningin ko sa ′yo, aminado akong masyadong malakas
Ang dating mo sa 'kin, kabigha-bighani ka
Sa ningning ng iyong mata, ako′y nabato-balani na
Ngunit parang alanganin na abutin ang tulad mo
Parang 'di ko kakayanin
Masyado pang kumplikado ang sitwasyon
Ayoko naman na samantalahin ang pagkakataon
Subali′t 'di ko mapigilan ang pusong humanga diyan dahil sa kabaitan mo
Kasalanan ba ng dalawang damdamin kung nagkakaintindihan ′to?
Na-na-na-nabihag mo, part two
Kung mayro'n akong mamahalin hanggang huli, that's you
"Thank God, I found you", parang kanta ni Mariah
Tayo lamang dalawa laban sa mundong madaya
Kahit ano′ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga′no ka kabait sa 'kin
Sa tingin ko′y may kakaibang namamagitan sa 'tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa ′yo, ako ay nabihag mo
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga′no ka kabait sa 'kin
Sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa ′tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa ′yo
Ako ay nabihag mo
Ako ay nabihag mo
Ako ay nabihag mo
Yeah, ako ay nabihag mo



Авторы: Anthony Ching, Christian Valenzuela


Curse One feat. Lux Breezy - The Singles
Альбом The Singles
дата релиза
25-08-2017



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.