Daniel Padilla - Sisikat Din Ako текст песни

Текст песни Sisikat Din Ako - Daniel Padilla



Halos 'di ko na matandaan
Kung kailan pang nahilig umawit
Nangarap, isang araw, sisikat din
At maging isang maliwanag na bituin
Sa tagal ng panahon, marami na 'kong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Ngunit hindi pa rin mayakap ang hangarin
Hangarin kong maging isang bituin
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsisikap ko
'Pagkat balang araw, makikinig kayo
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita n'yo, sisikat din ako
May kalayuan na'ng naabot ko
Mula noong ako'y nagsimula
Isang batang mahilig umawit
At isang hiram na lumang gitara
Sa tagal ng panahon, marami na 'kong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Ngunit hindi pa rin mayakap ang hangarin
Hindi pa rin ako isang bituin
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsisikap ko
'Pagkat balang araw, makikinig kayo
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita n'yo, sisikat din ako, oh
Tuloy-tuloy pa rin ang pagsisikap ko
'Pagkat balang araw, mabibilib kayo
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-aawit ko
At makikita n'yo, sisikat din ako
Whoa, sisikat din ako



Авторы: Jim Paredes


Daniel Padilla - DJP
Альбом DJP
дата релиза
01-01-2013




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.