Dello feat. Kithara - Ako'y Di Para Sa'yo текст песни

Текст песни Ako'y Di Para Sa'yo - Kithara , Dello



Nagkita tayo nang hindi mo ko kilala
At hindi ko inakala na yun ang umpisa
Na dapat 'di nasimulan dahil ako ay 'di malaya
Ika'y natagpuan pero hindi ka tinadhana
Para sakin teka dapat nga bang mapasatin
Ang isang relasyong nasa sitwasyon na alanganin
Pag-ibig nga naman ang lahat ay hahamakin
Pero 'di ba pag mali 'di na dapat pang hanapin
Tawid dagat ang agwat at nagtama ang landas
Nang mapunta sa bansa kung sa'n nandoon ka at
Parang paglitaw mo lang matapos araw ng undas
Naging sulit ang byahe kasi ikaw ang katumbas
Na dapat sana'y 'di gan'on kase dapat ibaon
Lahat sa limot pero bakit naikot pa rin ngayon
Sayo ang mundo kong masalimuot nagkar'on
Ng rason dahilan para humugot ng tanong
Na kung 'di pala pupwede bakit pinagtatagpo
Kung kailan may namagitan saka pinaglalayo
Darating pa ba ang araw na ikaw lang at ako
Ang magkahawak magkayakap ng hindi nagtatago
Pwede mo akong iwasan ng lahat ay mahinto
Dahil ayokong maranasan mong ikaw ay mabigo
Bakit ngayon ko lang naisip, naging tanga ako
Na di mo dapat mahalin ang taong di para sayo
Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo
Nakasakay sa eroplano ang tanaw abot baba
May tanong pa rin sa isip pero ang sagot wala
Inalis na ang mensahe na iyong pinadala
Alisin kita sa buhay ko yan ang 'di magawa
'Di ko nga ba magawa o ayaw ko lang gawin
At ayaw lang tanggapin na kailangang tanggalin
'Di na dapat nagsubok pa na ikaw ay asamin
Sana 'di na lang pala, bakit nangyari pa rin
At makikinig ka ba kung sasabihin kong patawad
Sa sandaling oras ika'y napamahal na kagad
Pero kailangan ko sa'yo ay palayong lumakad
Bago pa mga kamay mo sa kamay ko ay sumayad
At dito lang sa dibdib ko pwede lang maghalungkat
Makikita mo ang puso ko kung paano manumbat
Na kung ba't hinayaan na ikaw ay hinangaan
Tapos 'di ko namalayan nahulog na sayo at
Hindi ko na dapat pa ginawa na kausapin ka
Tapos patawanin ka tapos pangarapin ka
Okay lang ako kaya 'wag mong alalahanin na
Nasasaktan ako ang gusto ko ay palayain ka
Mag-ingat ka palagi langit sana'y pagpalain ka
Aalis na ko at wag na nating pahabain pa
Salamat sa pagmamahal, ayokong paasahin ka
Mahal kita pero mali ang mapasakin ka
Isipin mo
Hindi siya para sa'yo
Kayanin mo
May darating para sa'yo
'Wag kang manghihinayang
Hindi ka niya kailangan
Ilang taon lumaban
Bakit ako lang
At kaya aalis na ko hindi mo ko kailangan
Mahirap na umasa 'pag tadhana ang kalaban
Alam natin na mali mga nakaw na sandali
Dapat na kong umuwi dahil masasaktan ka lamang
Puno ng alinlangan ang dibdib puro kaba
Kailangan natin 'tong tigilan na habang buo ka pa
Ayoko na masira ka sakin maging tanga
Kala ko kaya ko, ang sakit pa din pala
Oo aaminin ko minamahal pa rin kita
Pero kapag itinuloy 'to may masasaktang isa
Huli na ang lahat 'di tayo pwede sapagkat
Ako ay para sa kanya ikaw ay para sa iba
Kaya titigan mo ako ngayon saking mata
At sabihin mo sa akin na umaayaw ka na
Yung nangyari kahapon hayaan na lang matapon
Dahil ang mundong ito'y 'di para sating dalawa
Ako'y 'di para sa'yo



Авторы: James Patrick San Juan, Wendell Gatmaitan


Dello feat. Kithara - Ako'y Di Para Sa'yo
Альбом Ako'y Di Para Sa'yo
дата релиза
01-12-2017



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.