Ebe Dancel - Bayani Ka Ng Mundo (From "Bagani") текст песни

Текст песни Bayani Ka Ng Mundo (From "Bagani") - Ebe Dancel



Kung gabi ay madilim
Ang langit ay makulimlim
Kapit lang pag-asa tayo ng isa't isa
Ang iyong lakas aking lakas
Ang puso mo ay puso ko
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit
Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo
Araw-araw kaya mong maging bayani
Kung may madapa ay iyong tulungang bumangon muli
Sa malasakit mo sa kapwa di ka mag-iisa
Ang iyong lakas aking lakas
Ang puso mo (ang puso mo)
Ay puso ko (ay puso ko)
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit
Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo
Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan
Ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo




Ebe Dancel - Bayani Ka Ng Mundo (From "Bagani")
Альбом Bayani Ka Ng Mundo (From "Bagani")
дата релиза
12-06-2018




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.