Himig Heswita - Maging Akin Muli текст песни

Текст песни Maging Akin Muli - Himig Heswita



Manlamig man sa Akin
Puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa
Puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot
Masindakin mong puso
Mag-ulap man sa lungkot
Diwa mong mapag-imbot
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli
'Di mo rin akalain
Tinig mo'y hanap Ko rin
Ang 'yong tuwa at sakit
Aking galak at pait
Kung lingid pa sa iyo
Aking pakikiloob
Tuklasin mong totoo
Tunay mong pagkatao
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli
Kapiling mo Akong laging naghihintay sa tanging tawag mo
Pag-ibig Kong ito, isang pananabik sa puso Ko
Sa 'yong pagbabalik sa piling Kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at makinig ka't maging Akin muli




Himig Heswita - O, Bayan Ng Diyos!
Альбом O, Bayan Ng Diyos!
дата релиза
17-02-2015



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.