Kyla - Mahal Ko O Mahal Ako текст песни

Текст песни Mahal Ko O Mahal Ako - Kyla



Dalawa kayo sa buhay ko at ako ngayon
Ay kailangan nang mamili, isa lang ang maaari
Alam mong narito ako lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis ngunit iba ang iyong nais
At siya′y narito
Alay sa 'kin wagas na pag-ibig
Nalilitong litong litong lito
Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko?
O, siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako?
Kahit ′di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa 'yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin
At kung sadyang siya′y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin sya
Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong lito
Sinong pipiliin ko?
Ang nais ko ay maranasan ang umibig
At masuklian rin ng pag-ibig
Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap ko?
O siya ba?
Oh, anong paiiralin ko? Isip ba o ang puso ko?
Nalilitong litong litong litong litong litong lito
Sinong pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako?



Авторы: Marollano Edwin B


Kyla - My Very Best (15th Anniversary Album)
Альбом My Very Best (15th Anniversary Album)
дата релиза
01-10-2015




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.