Lani Misalucha - Gaano Kadalas Ang Minsan текст песни

Текст песни Gaano Kadalas Ang Minsan - Lani Misalucha



Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang hanggan
Dahil sa labi ko'y laging mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa 'kin sindalas ng walang wakas, saglit mang magpisan
Dahil sa ganon paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib diba
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan
Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa, mabuti nga, mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari'y itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasing dalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan
Gaano kadalas, gaano kadalas ang minsan



Авторы: Canseco George


Lani Misalucha - The Nightingale Returns (Lani Misalucha Sings the Greatest Filipino Songbook)




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.