Текст песни




Sagana sa nakaw, pikit sa kahirapan
Malayang pagkwento, mga kabulaan
Larawa'y watawat, dugo tintang gamit
Pula o dilaw, parehong sunud-sunuran
Pare-parehong naratibo
Sa bawat sigaw, sa bawat hiyaw
Naming kabataan, kami'y pakinggan
Baguhin ang luma, pag-ibig ang lunas
Sa Perlas ng Silangan
Bulag sa kahapon, mayamang binibini
Delingkwente ng bayan, nilibing na bayani
Mapiling hustisya, manahimik ang kontra
Prosesong pagkitil, pangakong walang laman
Pare-parehong naratibo
Sa bawat sigaw, sa bawat hiyaw
Naming kabataan, kami'y pakinggan
Baguhin ang luma, pag-ibig ang lunas
Sa Perlas ng Silangan
Naratibo!
Naratibo!
Sa bawat sigaw, sa bawat hiyaw
Naming kabataan, kami'y pakinggan
Baguhin ang luma, pag-ibig ang lunas
Sa Perlas ng Silangan
Sa Perlas ng Silangan
Pag-ibig ang lunas sa
Sa Perlas ng Silangan
Baguhin ang luma, pag-ibig ang lunas



Авторы: Francesco Adriano Lopez Dulce, Luis Raphael Tomas Castro Lim



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.
Загрузка
Загрузка