Pilita Corrales - Noong Unang Panahon текст песни

Текст песни Noong Unang Panahon - Pilita Corrales



Noong Unang Panahon ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Kapag sa banga ni butil ay wala
Ang gubat at ilog may handang biyaya
Noong Unang Panahon ang sikat ng araw
Ay nagpapalago sa bawat halaman
Bakit kaya ngayon kay init ng darang
Ilog tinutuyo parang tinitigang
Noong Unang Panahon ang patak ng ulan
Pinasasariwa dahong naninilaw
Ngayo'y nagngangalit may hanging kasabay
May bahang kasunod na nakamamatay
Noong Unang Panahon ang puso ng tao'y
Marunong magmahal hindi nanloloko
Sa hapis ng iba'y laang makisalo
Lalong pumayapa at hindi magulo
Pati ang langit na dati'y kay baba
Ay nagpakalayo sa ulilang lupa
Baka lang gumising tuyuin ang lupa
Ng nananawagan at nagpapaawa
Noong Unang Panahon ang langit at lupa'y
Magkaratig halos laganap ang tuwa
Bathala gumising tuyuin ang lupa
Ng nananawagan at nagpapaawa
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon
Noong Unang Panahon



Авторы: Bienvenido Lumbrera, Nonong Padero


Pilita Corrales - Pilita Corrales Collection
Альбом Pilita Corrales Collection
дата релиза
30-12-1999




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.