Roger Singson - Tagsibol (feat. Mike Da Silva & Luis Monsalud) текст песни

Текст песни Tagsibol (feat. Mike Da Silva & Luis Monsalud) - Roger Singson




Tagsibol, tagsibol
Mangarap ka ngayon
Di kaya'y, bukas ay
Matutupad rin 'yon
Ating matatamasa
Ang pangarap lang ngayong
Tagsibol
Ibig kong umawit
Magbitiw ng isang tula
Ibig kong punuin ang hangin
Ng matamis na salita
Baka aking mapangiti
Isang batang lumuluha
Sa daigdig na may hapis
Magdadala ng tuwa
Ibig kong sumama
Sa pag-ihip ng hangin
Lumipad d'on sa kalawakan
Makiulayaw sa bituin
At sakaling palarin
Maiuwi ko ang isa
Karimlan sa 'ting daigdig
Ay papawiin na
Tagsibol, tagsibol
Mangarap ka ngayon
Di kaya'y, bukas ay
Matutupad rin 'yon
Ating matatamasa
Ang pangarap lang ngayong
Tagsibol
Ibig kong pumalaot
Makilaro sa mga alon
Aking susundan ang araw
Sa unang pagkakataon
Sakali mang abutan ko'y
Sasamang maglakbay
Magdadala ng tag-araw
Sa bawa't 'sang buhay
Bakit pa aantayin
Ang tayo'y maging ubanin
Upang ating diwa'y
Palakbayin
Tagsibol, tagsibol
Mangarap ka ngayon
Di kaya'y, bukas ay
Matutupad rin 'yon
Ating matatamasa
Ang pangarap lang ngayong
Tagsibol
Tagsibol, tagsibol
Mangarap ka ngayon
Di kaya'y, bukas ay
Matutupad rin 'yon
Ating matatamasa
Ang pangarap lang ngayong
Tagsibol
Tagsibol



Авторы: Luis Rosete Monsalud, Rogelio Quinto Singson


Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.
//}