Shanti Dope feat. Gloc 9 - Shantidope текст песни

Текст песни Shantidope - Shanti Dope feat. Gloc 9



Andami-dami, daming maiingay du′n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim
At ′di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Gandang umaga, haring araw, tulala sa kaning bahaw
Pang-amoy na nabusog sa lumalapang alingasaw
Ng kalye't kairitang halayang ininit lang
Tiis lang ang lasa, parang minumog na sinigang
Pasok sa paaralan, gano'n pa din pag-uwi
Dakilang tagahiwalay ng de-kolor sa puti
Poso na nagturo sa ′king pa′no humingang malalim
Lumaki na gutom lamang ang 'di kayang kalabanin
Mababad man sa gawaing bahay, laging nangunguna
′Pag nakahawak ng pluma ay nag-iibang anyo
Ani mo'y sinaniban ni Buddah, Shiva, Garuda, Kristo, Medusa
Dami ng duda, dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo pa
Andami-dami, daming maiingay du′n sa amin
Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin
Sa dami ng bukambibig, kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako′y madinig
Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim
At ′di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami-dami, daming maiingay du′n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sino'ng sumusulat at humihingang malalim
At ′di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Taas-noo pa ding nakayuko
Salot man ay madalas mapuno
Sa kabila ng nagbabalak apulahin
Ang apoy sa pasan na sulo
Parang kadabuwan nakikipagbuno
Tuwing araw ng dalaw, laging madugo
Ngayon pa man ay siniguradong
Makalaglag-takuri kada bagong pakulo
Napapakapit-tuko
Lahat ng aking kuko
Nakabaon ng malalim para lang hukayin
Ang mga diyamante sa aking bungo
Andami nating gusto
Na 'di magawa ′pagkat ayaw nating matukso
Mga bagay na 'di mo na pwedeng gawin
Kapagka dumating na ang ating sundo
Pagkagaling sa eskuwela, rekta palit kamiseta
Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
Sa dinamidami ng mabenta, pansakit sa kabila ang tenga
′Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog-riseta
Andami-dami, daming maiingay dun sa amin
Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
Sa dami ng bukambibig, kung nakulong lang sa silid
Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sino′ng sumusulat at humihingang malalim
At ′di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Andami-dami, daming maiingay du'n sa amin
Oh, kay tagal ko na nag-iikot para hanapin
Kung sino′ng sumusulat at humihingang malalim
At 'di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
Dapat karapat-dapat siyang iiwanan mo
Dapat karapat-dapat siya ′pag iiwanan mo




Shanti Dope feat. Gloc 9 - Materyal
Альбом Materyal
дата релиза
08-12-2017



Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.