Sharon Cuneta - Ngayon at Kailanman текст песни

Текст песни Ngayon at Kailanman - Sharon Cuneta



Ngayon at kailanman
Sumpa ko'y iibigin ka, ngayon at kailanman
Hindi ka na mag-iisa, ngayon at kailanman
Sa hirap o ginhawa pa, asahan may kasama ka, sinta
Naroroon ako t'wina, maaasahan mo t'wina
Ngayon at kailanman
Dahil kaya sa 'yo
Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundo
Upang sa araw-araw ay s'yang makapiling mo
Upang ngayon at kailanman, ikaw ay mapalingkuran, hirang
Bakit labis kitang mahal? Pangalawa sa Maykapal
Higit sa 'king buhay
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Malilimot ka lang
Kapag ang araw at bituin ay 'di na matanaw
Kapag tumigil ang daigdig at 'di na gumalaw
Subalit isang araw pa, matapos ang mundo'y magunaw na
Hanggang doon magwawakas, pag-ibig kong sadyang wagas
Ngayon at kailanman
Sa bawat araw, ang pag-ibig ko sa 'yo liyag
Lalong tumatamis, tumitingkad
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Bawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon
Na daig ng bawat bukas
Labis kitang mahal, tangi sa Maykapal
Ngayon at kailanman



Авторы: Canseco George


Sharon Cuneta - OPM Side By Side Hits of Sharon Cuneta & Rey Valera
Альбом OPM Side By Side Hits of Sharon Cuneta & Rey Valera
дата релиза
24-04-2012




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.