Smugglaz - Samin текст песни

Текст песни Samin - Smugglaz



DJ Paul of the beat
Mula no′ng una haggang dulo at sa kalagitnaan
Ng gera at digmaan na 'to′y magkabilaan ko na
Palaging tangan sa kaliwa't sa kanan
Ng mga pinanghahawakan ko na 'di mabitawan
At nagpatuloy sa pagsulat paglikha′t paggawa n′ya
Ng melodiya't ritmo ng rima′t mga bara
Sumika makilala tinig maisa-plaka
Kahit na para bang hindi gano'n katingkad ang pag-asa
Sa tulad ko na tulad din ng ilang hikahos
Lumaking wasak ang pamilya ′di pa nakapagtapos
Kulang sa kaalaman sa salapi din ay kapos
Anumang mero'n at wala′y aking ng pinagpasa-Diyos
Sa likod ng mga sala ko't gawain na haram
Pagbigyan man o hindi ang mga dalangin kong asam
Dumiretso lumiko, mapraning o tumino
Magtagumpay o mabigo, langit lang ang may alam
Kahit marami mang putik sa 'king talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko sa ′king bawat daraanan
Malubak o madulas, ma′y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay 'di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At mauuwi ko sa ′min ang tagumpay
Sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa ′min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa ′min ang tagumpay
Sinubukang maglakad-lakad ng mabawasan ang inip
Naging 'sang batang palaboy na kung sa'n-sa′n tumitira
Sa ilalim ng tulay sa Delpan, Pedicab o jeep
Sa sikip ng mundo, sa plastic labo na lang huminga
Sa mura ko na gulang, natuto magka-gulang
Nagkapangil, nagkasungay buntot na lang ang kulang
Sa mundo na madupang, walang kapatawaran
Man ang maging kabayaran ng buhay ko na utang
Nang biglang sumindi, bumbilya n′yang punde
May boses na bumulong
Ang sabi "'Di pa ′yan huli"
Ika'y ′di lang kabuti, kun'di Lutus na halamang
Kayang mamukadkad, kahit sa tubig na marumi
Habang nakaharap sa salamin ng mag-isa
Inaral kalasan ang maling sistemang nakabisa
Tila nagsikap padin na ′wag mahambing sa kanila
Kahit sa 'min ay mahirap ang maging kakaiba
Dahil kahit marami mang putik sa 'king talampakan
Alam kong babakas parin ang mga yapak ko sa ′king bawat daraanan
Malubak o madulas, ma′y handa kong tumulay
Hanggang sa dulo ay 'di mapapahumpay
Ang gutom na taglay, hanggang mapasakamay
At mauuwi ko sa ′min ang tagumpay
Sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa ′min ang tagumpay
Mauwi ko sa 'min ang tagumpay
Mauwi ko sa ′min ang tagumpay
Ahh
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Handang mamatay at pumatay, para magtagumpay
Pusong do-do-do or die
Ako'y parang estudyanteng hara-haragan
Nangarap mag-sumakumlaude sa kalakaran
Ng mga turo at diskarte para-paraan
Karanasan ang guro't kalye ang paaralan
Sinumpa′t pinangako kahit na malabo
′Yung nando'n sa malayo′y mararating ko din
Liwanag may maglaho at araw ay magtagos
Mas kikinang pa lalo na parang bituin
Kahit ga'no man kadilim ang buhay
Na para kang unti-unting nalilibang sa hukay
Magniningning sa kulay pagkatapos makabangon
Ang natapos na kahapon ang magsisilbing patunay
Taya′y pati pato kahit ano man
Ang pwede't posibleng maging hantungan
Naisangag ko na ang kaning bahaw
Bago pa mapanis sa ′king baunan
Mga nag-abon no'ng ako ay taglugi
Kasama ko 'pag nagbunyi, pasasalamat ang sukli
No′ng ako′y 'di pa tuli, wala pang ngipin at bungi
Mga nanghamak ay parang makahiyang napatupi
Naglakbay bunga ng pag-ibig, galit o muhi
Kasama ang pangakong kahit sa pula man o puti
O kahit sa′n makarating, 'pag nagtagpo tayong muli
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ahh
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)
Ahh
Sa pagbalik tagumpay na ang pasalubong pauwi (uh)




Smugglaz - Samin - Single
Альбом Samin - Single
дата релиза
25-02-2022

1 Samin




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.