Smugglaz - Tulad nung Una текст песни

Текст песни Tulad nung Una - Smugglaz



DJ Paul of the beat
Hangga′t nandito ka at ako'y nandito
Sa ′yong tabi'y mananatili ang pag-ibig na pinunla
Tulad din ng simula no'ng tayo′y nag-umpisa
Ikaw at ako lang ang bida parang pelikula
Mga eksena natin samu′t sari
May maganda at pangit na pangyayari
Ngunit, dapat mo pa na higpitan
Ang kapit ng iyong mga kamay sa 'kin
Magkasabay lampasan ang bagyo′t salubungin ang malakas na hangin
Basta't tandaan mo na mahal kita
At panghawakan mo na wala ng iba
Lumipas man ang panahon asahan mo na gano′n pa rin naman sa 'yo
Ang tunay kong nararamdaman
Dahil tulad pa rin no′ng una
Damdamin ko'y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sa 'yo ay ′di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin no′ng una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin sa 'king puso ang natitira
Hanggat nandito pa sa ′king puso ang larawan mo at
Mga anak natin ay hindi mabubura
Kung ano sa simula at tayo no'ng umpisa
Masaya man o malungkot ang ending ng pelikula
Mga eksena na pabago-bago
Wala naman kasing perpekto na tao
Ngunit, dapat mo pa rin na isipin na
Magiging maayos din ang lahat
Pagkatapos ng mga unos na dumaan sa ating dalawa
Basta′t tandaan mo na mahal kita
At panghawakan mo na wala ng iba
Lumipas man ang panahon asahan mo na gano'n pa rin naman sa ′yo
Ang tunay kong nararamdaman
Dahil tulad pa rin no'ng una
Damdamin ko'y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sa ′yo ay ′di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin no'ng una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin sa ′king puso ang natitira
Sige, lagyan pa natin ng "Rap"
Para walang masabi at kumpleto sa rekado
Pag-ibig ang pangunahing sangkap
Bilang pasasalamat ko sa 'yo at siyang regalo
Sa pagiging inahin ng aking mga inakay
Walang tandang pananong na
Ako′y kasama n'yo sa hirap man o sa ginhawa
Ikaw at sila kahit sa′n mapunta
Pasensya sa iba, ke-ga'no katigas
Sa pagiging labsongero sa 'kin ′di na maalis
Akalain mo ba na kaya magpa-amo
Ng puso ang aking mga linya na mababangis
Mga hirit ba na ganito ay bigla n′yo na-miss
'Di mabulaklak kundi tila mamais
Kasi minsan kung ano daw ang pinaka-corny
Madalas yo′n pa ang pinakamatamis
Labyu day!
Dahil tulad pa rin no'ng una
Damdamin ko′y hindi nagbabago
Ang tunay na himig ng aking pag-ibig
Sa 'yo ay ′di pa rin nag-iiba
Dahil tulad pa rin no'ng una
Kahit marami man ang magbago
Mga magaganda nating alaala
Pa rin sa 'king puso ang natitira
Sa ′king puso ang natitira




Smugglaz - Tulad nung Una - Single
Альбом Tulad nung Una - Single
дата релиза
18-02-2022




Внимание! Не стесняйтесь оставлять отзывы.