Himig Heswita - Hangarin ng Puso Ko, Yahweh Lyrics

Lyrics Hangarin ng Puso Ko, Yahweh - Himig Heswita



Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang loob sa Inyo nang lubusan at taimtiman
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang loob sa Inyo nang lubusan at taimtiman
Mapalad s'yang hindi naaakit ng masama
Sa palalong buhay, 'di mapariwara
Kayo'y nais N'yang kapisan at tinig n'yo'y laging hanap
Galak N'ya kayo ay matagpuan, gabi at araw
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang loob sa Inyo nang lubusan (nang lubusan) at taimtiman
Katulad Niya'y luntiang puno'ng nakatanim
Katabi ng umaagos na batis
Ang bawat Niyang mithiin, ang bawat Niyang gawain
Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang loob sa Inyo nang lubusan (nang lubusan) at taimtiman
Hangarin ng puso ko, oh, Yahweh ng buhay ko
Masumpungan Ka sa sangnilikha ng habambuhay
Hangarin ng puso ko, Yahweh
Makapagkaisang loob sa Inyo nang lubusan (nang lubusan) at taimtiman
Hangarin ng puso ko, Yahweh
(Hangarin ng buhay ko, Yahweh)
Magkaisa ang loob ko sa Inyo




Himig Heswita - The Best of Himig Heswita
Album The Best of Himig Heswita
date of release
18-02-2015



Attention! Feel free to leave feedback.