Himig Heswita - Huwag Limutin Lyrics

Lyrics Huwag Limutin - Himig Heswita



Huwag limutin, nakaraang araw
Sariwain kahit balik-tanaw
Takipsilim, 'di man mapigilan
Sandali lang ang dilim
'Yong bilangin ang bawat sandaling
Kagalaka'y wari'y walang patid
Magkasama tayo sa pagsapit
Ng 'sang langit sa daigdig
Minamahal kitang tunay
Ang tinig Ko, sa 'yo'y bubuhay
Sambitin mo ang Aking himig
At Ako sa iyo'y aawit
Alaala ng pagkakaibigan
Sa puso itago't ingatan
Sa pagsilay ng bukas tingnan
Alaala't puso'y iisa
Minamahal kitang tunay
Ang tinig Ko, sa 'yo'y bubuhay
Sambitin mo ang Aking himig
At Ako sa iyo'y aawit
Minamahal kitang tunay
Ang tinig Ko, sa 'yo'y bubuhay
Sambitin mo ang Aking himig
At Ako sa iyo'y aawit
At Ako sa iyo'y aawit




Himig Heswita - The Best of Himig Heswita
Album The Best of Himig Heswita
date of release
18-02-2015



Attention! Feel free to leave feedback.