I Belong to the Zoo - Oras - 2021 Remaster Lyrics

Lyrics Oras - 2021 Remaster - I Belong to the Zoo



Halata sa ′yong mata ang pagod na iyong dala
Na para bang ayaw mo na
Mga luhang pilit mong tinatago
Ramdam mula sa kabilang silid
Nandito lang ako, 'wag kang mag-alala
Kahit hindi pa ako ang ′yong iuna
Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para sa 'tin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin
Aking mahal, 'wag malumbay kahit minsan lang magsama
Dahil ′di ako mawawala
′Wag ka sanang madala sa mga taong
Nagsasabi ng walang kabuluhan
Sinusukat daw ang pag-ibig sa oras na iyong nilaan
Na sa akin ay hindi makatarungan
Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para sa 'tin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin
Huwag mo sanang isipin na kailanman, ika′y nagkulang
Oh, darating din ang panahong hindi na kailangang mawalay
Dahil kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Tanggap ko namang ang lahat ng ito
Ay para sa 'tin din naman
At kung kailangan mo pa ng oras
Sige lang
Hindi man ako ang una mong piliin
Walang sawa kitang iintindihin
Iintindihin
Iintindihin




I Belong to the Zoo - Kapiling
Album Kapiling
date of release
01-10-2021




Attention! Feel free to leave feedback.