Michael Pangilinan feat. Angeline Quinto - Parang Tayo Pero Hindi Lyrics

Lyrics Parang Tayo Pero Hindi - Angeline Quinto , Michael Pangilinan



Ano pa ba'ng hanap?
'Di ba't wala naman hadlang?
Higit sa magkaibigan
Ngunit damdami'y may puwang
'Di ko malaman kung anong mayro'n sa atin
Hindi masabi kung ikaw nga ba
Ay akin?
Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo
Pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong...
Parang tayo... Pero hindi
Parang tayo... Pero hindi
Lagi nang 'di napapansin
Ang orasang kumukumpas
At sa tuwing magkasiping
Tila ang init ay wagas
Ngunit bakit pagdurusa'y 'di mapawi?
Ang isip ay litong-lito at 'di mawari!
Parang tayo, pero hindi
Natatakot na magkamali
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong
Parang kay daming dahilan
Dahil takot na masaktan
Paglalaro'y hanggang saan?
Mayr'ong buwis ang buhay na
Parang tayo... Ooohhhh...
Nabubulag at nabibingi
Bakit okay lang na parang tayo, pero hindi?
Kaya't puso'y 'di mapakali
Nagtitiis kahit may pait sa ganitong... Parang tayo... Pero hindi...



Writer(s): Marlon Barnuevo


Michael Pangilinan feat. Angeline Quinto - Michael
Album Michael
date of release
19-08-2016



Attention! Feel free to leave feedback.