Michael Pangilinan - Pare Mahal Mo Raw Ako Lyrics

Lyrics Pare Mahal Mo Raw Ako - Michael Pangilinan



Pare, mahal mo raw ako
'Yan ang sabi mo raw nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi, galit ay wala ako
Pare, pag-usapan natin 'to
Pare, ako raw ang 'yong gusto
'Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas, 'di lalayo sa 'yo
Pare, pag-usapan natin 'to
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ro'n, pasensiya na, 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita
Pare, nandito lang ako
Nangangako sa 'yo, gano'n pa rin, ikaw, ako
Hindi ako iiwas, 'di lalayo sa 'yo
Pare, kaibigan pa rin ako
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ro'n, pasensiya na, 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita
Hindi maiilang, lagi mong tandaan
Kaibigan mo ako kailan pa man
Wala namang mababago sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ro'n, pasensiya na, 'di ko makakaya
Pare, kaibigan lang kita
Pare, kaibigan lang kita



Writer(s): Joven Tan


Michael Pangilinan - Michael
Album Michael
date of release
19-08-2016




Attention! Feel free to leave feedback.