Piolo Pascual - Kastilyong Buhangin Lyrics

Lyrics Kastilyong Buhangin - Piolo Pascual



Minsan ang 'sang pangako'y maihahambing
Sa isang kastilyong buhangin,
Sakdal-rupok at huwag di masaling
Guguho sa ihip ng hangin
Ang alon ng maling pagmamahal
Ang s'yang kalaban n'yang mortal
Kapag dalampasiga'y nahagkan
Ang Kastilyo ay nabubuwal
Kaya't bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit pa magsanga ng landas
Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan,
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala
Kaya't bago nating bigkasin ang pagsintang sumpa
Sa minumutya, sa diwa't gawa,
Pakaisipin natin kung pag-ibig ay wagas
Kahit magsanga ng landas
Minsan dalawang puso'y nagsumpaan
Pag-ibig na walang hanggan
Sumpang kastilyong buhangin pala
Pag-ibig na pansamantala, luha ang dala
Yan ang pag-ibig na nangyari sa atin,
Gumuhong kastilyong buhangin



Writer(s): Canseco George


Piolo Pascual - Best of OPM Decades III
Album Best of OPM Decades III
date of release
01-01-2012




Attention! Feel free to leave feedback.