Sharon Cuneta - Sa Hirap At Ginhawa Lyrics

Lyrics Sa Hirap At Ginhawa - Sharon Cuneta



Paano mailalarawan ang pag-ibig kong wagas?
Maipipinta pa ang damdaming 'di magwawakas
Na bawat araw ay nagbabagong kulay
Lalong nabubuhay
Gaano karaming wika ang kakailanganin pa
Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta?
Damdaming kay ganda, dahil sa naro'n ka
Laging sinasamba
Kulang pa ang mahalin kita magpakailan pa man?
Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan
Lagi na ako'y kasama mo, matinik mang daan
May sigla, maging sa hirap at ginhawa man
Batid ko, kalaban natin ang mundong mapangapi
Mananatili kang lakas ko, araw at gabi
Dito sa aking tabi, walang ikukubli
Mahal kita kasi
Gaano karaming wika ang kakailanganin pa
Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta?
Damdaming kay ganda, dahil sa naro'n ka
Laging sinasamba
Kulang ba ang mahalin kita magpakainlan pa man?
Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan
Lagi na ako'y kasama mo sa ano mang daan
May sigla, maging sa hirap at ginhawa ay laan, mahal kita
Maging sa hirap at ginhawa man



Writer(s): Canseco George


Sharon Cuneta - The very best of sharon vol. 2
Album The very best of sharon vol. 2
date of release
04-02-2009




Attention! Feel free to leave feedback.