Himig Heswita - Hontiveros Medley paroles de chanson

paroles de chanson Hontiveros Medley - Himig Heswita



Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.
Ang atas Ko sa inyo mga kaibigan Ko
Ay magmahalan kayo tulad ng pagmamahal Ko sa inyo.
May hihigit pa kayang dakila sa pag-ibig na laang
Ialay ang buhay alang-alang sa kaibigan.
Kayo nga'y kaibigan Ko kung matutupad ninyo ang iniaatas Ko.
T'wing dakong dapit-hapon, minamasdan kong lagi.
Ang paglubog ng araw, hudyat ng takipsilim.
Ganyan ang aking buhay, kung may dilim ang buwan.
Hihiwat sa baybayin sa pagsapit ng dilim.
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa.
(Ikaw ay Pilipino, ikaw ay kapwa ko)
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya.
(Ikaw ay kapatid ko, at ika'y papanagutan ko)
Sabay-sabay na nag-aawitan ang mga bansa
Tayo'y tinuring ng Panginoon bilang mga anak.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya.
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan
O Panginoon, sa sangkalupaan
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.




Himig Heswita - Your Dwelling Place (Songs for Healing)
Album Your Dwelling Place (Songs for Healing)
date de sortie
17-02-2015



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.