Asin - Orasyon (Mano Po) Lyrics

Lyrics Orasyon (Mano Po) - Asin



Ilang saglit na lamang ang sikat ng araw
Papantay sa kapaligiran, kay gandang pagmasdan
Ang mga ibon at kulisap, nagsasagutan
Sa tunog ng kampana, kanilang sinasabayan
Ang mga batang naglalaro sa bakuran
Dahan-dahang magliligpit ng kanilang mga laruan
At papanhik sila ng bahay, doon ay madadatnan
Ang lolo, ang lola at ang mga mahal na magulang
Alas-sais na ng hapon, oras ng orasyon
Tahimik sa aming bukid habang nagdidilim ang paligid
At ang maganda kong mailarawan ay ang pagmano sa magulang
Sa lolo, sa lola, tanda ng paggalang
"Mano po sa inyo," ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
"Mano po, inay, mano po, itay"
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay
Ang kaugaliang aking nakita
Sana'y manatiling isang magandang halimbawa
Ito'y isang kaugalian na sana'y pag-ingatan
Hiyas ng kabataan, sana'y pangalagaan
"Mano po sa inyo," ang sambit ng mga bata
Sabay hawak sa kamay ng matatanda
"Mano po, inay, mano po, itay"
Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay



Writer(s): Lolita Carbon, Nonoy Pillora Jr., Pendong Aban Jr., Saro Bañares Jr.


Asin - Himig Ng Lahi
Album Himig Ng Lahi
date of release
15-08-2007




Attention! Feel free to leave feedback.