Ben&Ben - Magpahinga Lyrics

Lyrics Magpahinga - Ben&Ben



Kulang pa yata′ng 24 oras sa 'kin
Sa mga problema kong mas marami pa sa mga bituin
Ayoko namang magpatalo, pero
Ba′t parang ubos na ubos na ako?
Ang sabi mo, "Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang 'di maubos na problema
Malapit na, pero ′di rin kasalanang magpahinga"
Kulang pa yata′ng 'sandaang taon, ba′t nakakulong pa rin?
'Di ko na ba maaabutan lahat ng mga gusto kong gawin?
Ayoko namang magpatalo, pero
Siguro pagod na pagod lang ako
Ang sabi mo, "Dito ka lang sa ′kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang 'di maubos na problema
Malapit na, pero ′di rin kasalanang magpahinga"
Magpahinga ka lang muna
'Wag nang pigilan ang luha
Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang mga pasanin
Lapag mo lang muna, kakayanin din
Kumapit ka, sinta, matatapos ang problema
Malapit na, pero ′di rin kasalanang magpahinga



Writer(s): Miguel Benjamin G. Guico, Paolo Benjamin G.guico


Ben&Ben - Magpahinga - Single
Album Magpahinga - Single
date of release
14-05-2021




Attention! Feel free to leave feedback.