DJ Myke - Huling Araw Lyrics

Lyrics Huling Araw - DJ Myke



Kung isang araw na lang
Ang bibigay ng Maykapal
Kakayanin ko pa ba
Na dumilat ang aking mga mata?
Kung wala ka na
Paano na ang hiling ng isa′t isa?
Sa natitirang tibok ng oras
Makasama ka sana
May isang araw pa tayo, sinta
Magkayakap hanggang sa huling paghinga
May isang gabi pa tayong dal'wa
Sana ang ngayon, ′di na maging bukas pa
Ah-ah, ooh-ooh-ooh
Kung huling gabi na lang
Makikita, aking mahal
Sasayangin ko pa ba
Ang liwanag ng iyong alaala?
Kapag minuto na
Ang unti-unti nating binibilang
Sa nalalabing halik
Na 'di malilimutan kailanman
May isang araw pa tayo, sinta
Magkayakap hanggang sa huling paghinga
May isang gabi pa tayong dal'wa
Sana ang ngayon, ′di na maging bukas pa
Kung ito′y huling awit, pipigilan kong saglit
Ang pagbawi ng langit at sa 'yo lang kakapit
Ang pagmamahal na walang kapalit
Buhay ko, sa ′yo ipipilit
May isang araw pa tayo, sinta
Magkayakap hanggang sa huling paghinga
May isang gabi pa tayong dal'wa
Sana ang ngayon, ′di na maging bukas pa
May isang araw pa
May isang gabi pa
May isang araw pa
Ang huling araw ay atin, sinta
Ang huling gabi ay ating dal'wa
Sana ang ngayon, ′di na maging bukas pa



Writer(s): Michael Salomon


DJ Myke - Homework
Album Homework
date of release
18-01-2010




Attention! Feel free to leave feedback.