Daryl Ong - Nando'n Ako Lyrics

Lyrics Nando'n Ako - Daryl Ong



Sa bawat ihip ng hanging dumadampi sa 'yo
Sa bawat sikat ng araw na halik sa pisngi mo
Sa bawat buhos ng ulan na ang dala'y walang hanggan
Naroroon ako, kailan pa man
Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning ng bituin, nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando'n ako, hindi ka iiwan
Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando'n ako
Sa bawat ilog at dagat na 'yong lalanguyan
Sa bawat ningning bituin, nang-aakit ng kinang
Sa bawat bundok at parang maging hanggang kalangitan
Nando'n ako hindi ka iiwan
Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando'n ako
Sa kalungkutan, maging kasiyahan
Makakasama mo ako, hindi ka iiwan
Pagkat ang pag-ibig ko'y tanging ikaw lamang
Dadalhin ko hanggang kalian pa man
Nando'n ako kahit pa may unos man at bagyo
Nando'n ako at 'di mawawala sa piling mo
Nando'n ako hangga't pumipintig ang puso ko
Nando'n ako, kasama mo, nando'n ako



Writer(s): Venancio A Saturno


Daryl Ong - Nando'n Ako
Album Nando'n Ako
date of release
14-02-2017




Attention! Feel free to leave feedback.