Gloc 9 feat. Assembly Generals - Tablan Lyrics

Lyrics Tablan - Gloc-9 , Assembly Generals



Mata ko'y paluhain kahit balat butasin
'Di ako tintablan
'Di ako tinatablan
'Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Mabigat na buhat
Luma na panulat
Bumabalik lagi sa sulat kabisado sulat
Masukal na gubat
Galos puro sugat
Pupunitin lagi kahit ga'no pa kakunat
Sabay unat para 'di tablan bakal ang nilalaman
Sugod lang dami niyong patira pero hangin lang
Puso at talino ang aking ginagalawan
Kaya't ganyan kahit patlang ako ang lalamang
Anunam ang lumipas ako ay 'di matitnag
Mananatiling matikas ang katawan at isipan
Nananaig ang liwanag sa kadiliman
Umabot man ako sa dulo ng walang hangganan
Mataas man ang hagdanan
Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Kahit na lututin man ang laban at niyong lasunin
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Bago ko pasukin ang larangan nakilala ang kalaban
Ilang beses nadapa hanggang masukat ko ang tapang
Kumapal ang kalyo ng mga sugat sa bawat salang
Suot ang bawat galos at pinsala ng digmaan
Digmaan sa kanto may mga atraso
Kailangang tignan na parang kagat ng aso
May lamat na baso sami'y walang kaso
Mainit na tila pinabayaan na trangkaso
Eh ang kaso may humarang pero 'di naman lalabanan
At kahit may iba lang lagpasan walang atrasan
Kasi 'di niyo lang alam ang aking mga dinaanan
Sige lang subukan ang sapatos ko kung kaya niyong lakaran
Mata ko'y paluhain kahit ang balat butasin
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Pag nagpaulan sa hangin ang bala'y sasagupain
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Sa malayong lalakarin uubusin ang hinain
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Kahit na lutuin man ang laban at inyong lasunin
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan
Ang dami-dami, dami-dami niyong binibitiwan
Lahat nanggaling sa ugaling puro talangkaan
'Wag puro salitaan lagyan mo ng galawan
Sa ganyang kilusan baka ika'y masagasaan
Manibela mani obra
Pag hindi krus yan ay kara
Dami nang lumalamon sa kusina
Ba't 'di an ka maghin laging imbento
Baka sa balita ikaw ang makita sa mga ulat ni Calvento
Alam kong namang hindi madali
Mararanasan ginhawa man o sakit
Subukan mo nang hamunin ay
Hinding-hindi kayang patumbahin
Asintahin ang iyong hiling
Mga pangarap iyong abutin
Huwag kang matakot na lumusob sa gyera
Nakahanda ka dapat saluhin
Nakahanda ka dapat salagin
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
Tamaan man kahit ilan ('di ako tinatablan)
Sige lang magpaulan ('di ako tinatablan)
'Di ako tinatablan
'Di ako tinatablan




Gloc 9 feat. Assembly Generals - Tablan - Single
Album Tablan - Single
date of release
17-12-2021

1 Tablan



Attention! Feel free to leave feedback.