Gloc 9 feat. HONCHO - Sa 'kin 'Yan Lyrics

Lyrics Sa 'kin 'Yan - Gloc 9 feat. HONCHO



Ikaw na naman?
′Di ba kalalabas mo lang?
Nang bagong kanta
Na para bang kaylan lang
Ikaw na naman
Parang kalalabas mo lang
Nang bagong kanta
Marami pa
Apir tayo d'yan Gcode!
Goodson!
Pang ilan na ba ′to?
Natumbok mo pare!
Natumbok mo
Ng mismo!
Sino ang pulido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito
Hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit
Na parang bagong pustiso
Turu-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baytang
Ilan na ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong
Ayaw ko ng korona
Hindi sa 'kin 'yan
Dahil ang nais ko lang noon
Ay makapagsulat ng mga awit
Kahit na pabalibag
Ang mga tono tinodo ko medyo malibag
Ang kailangang lunukin
′Yan lang ang realidad
Naglalakad ng mag isa papunta sa opisina
Dala ang demo baka sakaling maipakita
Ang taglay na kanta′y ilalahad kung luto na
Kumain ka na ba ng tanghalian?
Hindi pa
'Wag mo kaming tatawagan
Kaming tatawag sa iyo
Iwanan mo doon sa gwardya
Sa harapan ng number mo
Diyan ko laging nilalaan
Ang parte ng sweldo ko
Sa paglinis ng kusina
Kung minsan tagasalo
Kalahating sakong bigas
Isampa mo doon sa trak
Hawakan mo ang itlog
Baka mabasag sa lubak
Ibabawas yan sa iyo
Kapag may isang nabiyak
Kahit na ′di sigurado
Ay merong isang tiyak (lahat ay tapusin mo)
Sino ang pulido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito
Hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit
Na parang bagong pustiso
Turu-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baytang
Ilan na ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong
Ayaw ko ng korona
Hindi sa 'kin ′yan
Sa madaling salita
Hindi naging madali
Lahat na buo na binayad
Inipon ko ang sukli
'Pag lahat ay tinatamad
Ako′y 'di nag atubili
Na sipagan, upakan, hulaan
Kahit magkamali
Basta subok lang ng subok
Huwag bilangin kung ilan
Itinaas ko ang kamay
Hanggang sa matandaan
Ako ng guro tinuro
Kung sa'n ang tamang daan
Narating ′din ang palasyo
Na tirahan ng ilan
Hindi nahilig sa kinang ng mga alahero
O magagarang gulong
Na kasing ingay ng bombero
Pag mabilis ang takbo
Agad na pumipreno
Kaya bubungan sa ′king ulunan
Pirma ko ang nasa yero
Kahit na dawalang dekadang
Mahigit na akong kapos
Ay kailan ma'y ′di ako nasindak
Sa salitang laos
Ako ng magsasabi sa bangka
Na tapos na kung tapos
Hindi 'yan kasya sa ′kin
Alam kong ang ulo ko'y kapos (lahat ay ayusin mo)
Sino ang pulido?
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito
Hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit
Na parang bagong pustiso
Turu-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baytang
Ilan na ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong
Ayaw ko ng korona
Hindi sa ′kin 'yan
Meron lang akong gusting sabihin
Sa mga dapat na makaalam
Baka isiping kunsintuhan 'to
At ibahin ang meaning
Kailangan kong sulitin sulat ko
Baka silipin
Hoy! Gumising!
Mag iba ka na
′Wag kang magpapakain
Ng inggit sa katawan
Ay palayasin pabagahin
Utak mong kalawangin
Ay linisin palawakin
Sana mag iba ka na
Para isa ating hangarin
At ng magaya ka ′din sa 'kin
Makasama ka sa awit ni Gloc
Sa ′ming lipad kahit na mabigat
Ang imposible ay posible
Basta magsipag
'Wag kang paawat
At gawin dapat ang abilidad
Kasi alam mo naman
Na pwede kang mabilang sa mga tanyag
Pero ′wag masilaw
Pwede kang magkaroon
Ng hindi mabilang na tagahanga
Nakatapat sa sa'yo ang ilaw
′Di na kailangan ng korona
Sino ang pulido (sino?)
Maging ang anino (hoo)
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino (ugh)
Tawagin mo dito (dito)
Hipan mo ang pito (prrt)
Mga letrang malagkit
Na parang bagong pustiso
Turu-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baytang
Ilan na ang hinakbang
Pababa, pataas (pababa at pataas)
Sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong
Ayaw ko ng korona
Hindi sa 'kin 'yan
Sino ang pulido
Maging ang anino
Ilaw na laging nakasindi kahit kanino
Tawagin mo dito
Hipan mo ang pito
Mga letrang malagkit
Na parang bagong pustiso
Turu-turuan kung kaninong hagdan
Ang mas maraming baytang
Ilan na ang hinakbang
Pababa, pataas
Sinong tagapagmana
Hayaan mong sabihin kong
Ayaw ko ng korona
Hindi sa ′kin ′yan



Writer(s): Aristotle Pollisco


Gloc 9 feat. HONCHO - Sa 'kin 'Yan (feat. HONCHO) - Single
Album Sa 'kin 'Yan (feat. HONCHO) - Single
date of release
21-05-2021



Attention! Feel free to leave feedback.