Jericho Rosales - Naaalala Ka Lyrics

Lyrics Naaalala Ka - Jericho Rosales



Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang, limot ko na
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay
Ang nais ko'y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka?
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
Sa aking pag-iisa, hiling ko ay kasama ka
Sa aking mga mata, wala nang hahanapin pa
Ako'y magmamahal sa 'yo (giliw ko), ako'y maghihintay
Ngayon at kailanman
Pangako
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba (iibigin pang iba)
Sa tuwina'y naaalala ka
Sa pangarap, laging kasama ka
Ikaw ang alaala sa 'king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
(Naaalala, naaalala, naaalala)
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko'y tunay



Writer(s): Rey Valera


Jericho Rosales - Change (Jericho Rosales)
Album Change (Jericho Rosales)
date of release
29-09-2009




Attention! Feel free to leave feedback.