Lyrics Ginawan ko Siya Ng Balsa (Spoken Word) - Juan Miguel Severo
Kung
tatanungin
ako
kung
paano
siya
nawala
Sasabihin
kong
Isipin
mo
ang
unti-unting
pagkupas
ng
isang
kanta
Nagsimula
ito
isang
gabi
Napansin
kong
masyado
s'yang
tahimik
Kaya
pinatay
ko
ang
radyo't
siniguradong
naririnig
niya
ako
At
kumupas
ang
sarili
kong
boses
sa
kanyang
kawalang
imik
Bihira
ang
mga
awit
na
biglang
nagtatapos
sa
tuldok
Na
biglang
pumipreno
mula
sa
kanyang
harurot
Sa
birit
pagkatapos
ay
biglang
mawawala
Noong
lumipas
ang
isang
buong
araw
Nang
wala
akong
naririnig
mula
sa
kanya
Hininaan
ng
DJ
sa
radyo
ang
boses
kong
bigay
na
bigay
pa
ring
binibirit
ang
koro
Para
magbigay
daan
sa
bagong
kanta
Walang
pwedeng
magsabing
hindi
ko
'to
nilaban
Ang
pagpapadala
ng
mga
mensaheng
paalala
na
nand'yan
ka
pa
Sa
isang
taong
hindi
sumasagot
Ay
parang
pagsigaw
ng
saklolo
sa
laot
sa
gitna
ng
pagkalunod
Ni
hindi
ko
alam
kung
nandoon
pa
ba
siya
sa
kanyang
pampang
Minsan,
nagpunta
kami
sa
tabing
dagat
kasama
ng
ilan
kong
kaibigan
At
sinugod
niya't
dagliang
niyakap
ang
alon
Na
para
bang
nobyong
kay
tagal
na
nalayo
sa
kanyang
minamahal
Pagkagat
ng
dilim
Nag-inuman
kami't
tinanong
ko
siya
kung
anong
gusto
niyang
maging
Siguro
sa
kalasangin
kaya't
sinabi
niyang,
"dagat"
Nais
ko
sanang
sabihing
ako
rin
Nais
ko
sanang
sabihin
Na
gusto
kong
madama
niya
ang
aking
alat
sa
kanyang
dila
Gusto
kong
ikumot
sa
kanya
itong
lamig
Gusto
kong
salubungin
niya
ako
ng
may
pagsuko
Gusto
kong
languyin
niya
ako
at
hindi
ko
siya
lulunurin
Hindi
ko
siya
kayang
sisihin
'Di
ko
maaatim
na
siya'y
isumpa
Kahit
no'ng
umagang
'yon
na
inalay
ko
ang
pilas
kong
mga
bahagi
sa
kanya
Na
parang
mga
sigay
na
pinulot
sa
dalampasigan
At
nakakuha
sa
wakas
ng
sagot
Walang
nabuong
kasunduan
Hindi
nabigyang
pangalan
ang
mga
tingin
Isinauli
ko
ang
sarili
ko
sa
mga
alon
Ginawan
ko
s'ya
ng
balsa
Isinulat
ko
sa
buhangin
ang
isang
panalangin
Aking
maglalayag
Ako
ang
katas
ng
niyog
sa
kanyang
tubig
tabang
Ako
ang
pinong
buhangin
sa
kanyang
aspaltong
daan
Ako
ang
preskong
hangin
sa
kanyang
alimuom
at
alinsangan
Ako
ang
bakasyon,
siya
ang
kalungsuran
Mapapagod
ka
sa
kanyang
tugtugin
at
hahanapin
mo
ako
balang
araw
Pangako
'yan
sa'yo,
aking
maglalayag
Kung
sa
laot
na
kay
lawak,
ikaw
ay
maligaw
Magbalik
ka
sa
akin
Kung
ang
susunod
na
pulo
ma'y
di
matanaw
Magbalik
ka
sa
akin
Kung
magbanta
ang
mga
ulap
na
abot
tanaw
Magbalik
sa
akin
Kung
abutin
ka
ng
gabi't
kumutan
ng
ginaw
Sindihan
mo
ang
pabaon
kong
gasera
Pihitin
mo
ang
sagwan
Magbalik
ka
sa
akin
Minsan,
noong
nakabalik
na
kami
sa
siyudad
Matapos
kong
sa
wakas
ay
magtapat
Pinaawit
niya
ako
ng
mga
paborito
niyang
kanta
Pinakapa
niya
sa'kin
ang
tipa
nila
sa
gitara
At
sa
gitna
ng
pagtugtog
Ay
hinawi
niya
ang
kurtina
ng
buhok
sa
aking
mga
mata
at
ngumiti
Na
parang
may
pangako
ng
hindi
paglayo
Agad
din
siyang
tumayo
Bumalik
sa
paglalakad
Aking
maglalayag
Kung
ang
pagmamahal
sa
'di
maaaring
manatili
ang
aking
sumpa
Bigyan
sana
ako
ng
mga
bathala
ng
isla
O
kung
marapatin
nilang
ikulong
ako
sa
siyudad
Isang
kabibe
'Yong
makukopkop
ko
sa
aking
palad
'Yong
madidikit
ko
sa
aking
tainga
'Yong
aalayan
ako
ng
awit
ng
dagat
Na
kahit
kailan,
hindi
matatapos
Attention! Feel free to leave feedback.