Loonie, Abra & Syke - Tanyag Lyrics

Lyrics Tanyag - Syke , Abra



Aminadong Kabado, andaming tao paralisado sa entablado,
'Di praktisado kahit kapiraso ng kinabisado kanina pa blangko
Ang aking isip walang mahirit napaka init,
Bago pa maisipan na bumangon ay bumangon na mula sa panaginip at
Muling bumalik sa reyalidad gusto parin' g ipakita ang kalidad para
Patunayan sa lahat na wala talagang
Kinalaman ang aking edad sa abilidad
Akoy lumilipad sa alapaap (up up and away) sa kalawakan,
Kapag ako ang syang nagka pangalan pangako babaguhin ko ang galawan
Di mapakita ang kayang gawin sa lahat balang-araw pangarap maging
Alamat mabalitaan sa telebisyon at ang
Letra masabihang "Idol galing mo mag-rap"
Paguwi ko ng bahay naligo,
Nagsanay pagkiss ko kay nanay alis na agad,
At pagpatak ng alas dyis yung pangapat sa listahan pina-akyat
Puro tanong sa aking isipan,
Urong sulong bawat tinginan,
Pano kaya kung magkatotoo yung kaninang napanaginipan
Isang pasada lamang ang byahe ng buhay,
Tandaan na 'di kumikinang ang dyamante sa buhay
Loonie: akala nila kilala ka nila at hindi mo sila,
Pero di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo' y laging nasa magazine dyaryo at iba pa,
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa ng Tinapa!
Buhay MC akala ko pa easy-easy kelangan pa palang pagaralan mo ng
Maigi ang galawan para talagang malaman mo ang
Pipiliin mong landas pinipilit ilabas ang nakaipit na lakas
Kaso nga lang ngayon,
Masyado nakong busy sa kakasulat
Ko kumakapal lalo ang kalyo sa daliri
Nagkalat ang pangalan ko sa dyaryo at sa CD boses at mukha ko naman
Sa radio at sa TV, eksadyo to pag ihi ko sa banyo may Graffiti ng
Pangalan ko at kinikilala ng taong bayan at
Mga bata na nakatambay na maghapong nasa PC
Sa dami ng Fans ko talo ang Factory ng 3D
Platinum lahat ng mga Album ko at EP
Sikat na sa syudad, probinsyano in the city,
"Masarap ba maging tanyag?
" 'yan ang tanong ko sa sarili,
Matamis na mapait, masaya na may halong pagsisisi
Loonie: akala nila kilala ka nila at hindi mo sila,
Pero di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo' y laging nasa magazine dyaryo at iba pa,
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila,
Pero di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo' y laging nasa magazine dyaryo at iba pa,
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa ng Tinapa!
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa
Ilang beses pinagtangkaan matanggal
Sa pagtanghal akoy nagtagal at nanatili
Sa pinaglagyan ko kayo mismo pumili kaya nawili at
Di nawala akala nyo lang kaya parang muling nagbalik
Akala ng ilan naka kulong lang kaya ngayon nanabik sa mic at
Muling nausong parang vyke sight,
Nike, fame, game, blame, shame, lame
Pamantayan dapat ng mga ganung rhyme sapagkat nandito na mga anak ko,
Ako ang ama ng mga huwaran,
Magagaling kahit mga ampon ko lang at pano maging ako,
Magpagawa tayo ng larawan,
Ngunit 'wag mong ipagyabang ilabas mo nalang kung sa tingin mo may
Kaya ka nang patunayan ang katunayan,
Ang lahat ng mga yan ay nagsikap at naghanda,
Kamtin ang pangarap kahit na tumanda
Wala sa edad kundi nasa ganda ng mga nilikha
Ipapamukha mo paba sakin kung bakit di ako sumikat?
Paumaga palang ngayon, dis oras ng gabi ako lumabas
Ipapamukha mo paba sakin kung bakit di ako sumikat?
Paumaga palang ngayon, dis oras ng gabi ako lumabas!
Loonie: akala nila kilala ka nila at hindi mo sila,
Pero di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo' y laging nasa magazine dyaryo at iba pa,
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila,
Pero di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo' y laging nasa magazine dyaryo at iba pa,
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa ng Tinapa!
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine dyaryo at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa!
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa



Writer(s): Marlon Peroramas


Loonie, Abra & Syke - Ultrasound
Album Ultrasound
date of release
02-12-2013



Attention! Feel free to leave feedback.