Ogie Alcasid - Kung Bakit Ngayon Lyrics

Lyrics Kung Bakit Ngayon - Ogie Alcasid



Sabi mo, ako'y 'di na kailangan at tuluyan na akong iiwan
Dahil pag-ibig natin ay walang hahantungan
Kahit kay sakit sa kalooban, pilit ko itong tinatakasan
'Pagkat minsan pa'y nasabi na ako'y 'di mo na mahal
Kung bakit ngayon, ngayong wala ka na'y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa'no muling magbabalik sa atin ang kahapon? Ooh-whoa
'Di sinasadyang tayo'y magkita, ako't ikaw ay may ibang kasama
Kulay ng iyong mukha at kilos mo ay nag-iba
At hindi ko maipaliwanag kung ito'y isang maling pangarap
Nadaramang ikaw pa rin sa akin ang lahat
Kung bakit ngayon, ngayong wala ka na'y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa'no muling magbabalik sa atin ang kahapon?
Kung bakit ngayon, ngayong wala ka na'y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa'no muling magbabalik, pa'no muling magbabalik
Sa atin ang kahapon?
Ooh-ooh-ooh



Writer(s): Saturno Venancio A, Saturno Vehnee


Ogie Alcasid - Ogie Alcasid 18 Greatest Hits
Album Ogie Alcasid 18 Greatest Hits
date of release
25-03-2009




Attention! Feel free to leave feedback.