Parokya Ni Edgar - Choco Latte Lyrics

Lyrics Choco Latte - Parokya Ni Edgar



'Di ba't sinabi mo sa 'kin dati
Na mahirap kumain ng tsokolateng
Natunaw at parang wala nang korte?
Kadiri nang kainin, mukha nang tae
Ewan ko ba kung bakit mahirap ibalik
Sa original na hugis 'pag nalusaw na sa init
Parang tiwala, 'pag nasira na
Mahirap nang ayusin pa
'Di kayang ipagdikit ang tiwala 'pag napunit
Parang nangyari kailan lang
Mayro'n akong nakitang nakatagong regalo
Sa likod ng kotse mo
Hugis puso na kahon at may red na ribbon
Mamahaling Toblerone at no'ng aking tignan
"Para sa 'yo, mula kay Christian"
Agad kong binuksan, tsokolate ang laman
At 'di ko malaman kung ba't kailangan
Itago sa akin ang katotohanan?
Ang dami-dami mo palang tsokolate
Hindi ka man lamang nagsasalita
Ewan ko ba kung bakit hindi ko napigilan
Ang regalo mo'y naubos ko nang 'di ko nalalaman
Parang tiwala, 'pag naubos na
Bigla-biglaan talaga
Mahirap nang makita kapag minsa'y nawala
At kahit na pilitin, 'di mo na mapapalitan
Kahit hanap-hanapin, 'di mo na mababalikan
Kahit sabihin natin na ika'y napagbigyan, 'wag na lang
Ewan ko ba kung bakit mahirap tanggalin ang tsokolate
'Pag natunaw at kumapit na sa ngipin
Parang tiwala, 'pag namantsahan na
Mahirap nang linisin pa, 'di kayang burahin
Kahit na ano'ng gawin
Parang tiwala, parang tiwala
Parang tiwala, parang tiwala
Parang tiwala, parang tiwala



Writer(s): Karen Ann Poole, Jonathan Simon Douglas


Parokya Ni Edgar - Bigotilyo
Album Bigotilyo
date of release
01-01-2003




Attention! Feel free to leave feedback.