Parokya Ni Edgar - One Hit Combo Lyrics

Lyrics One Hit Combo - Parokya Ni Edgar



Come on, game ka, ah? (Sige)
One, two, three, four
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Oras na para gumawa ng panibagong
Orasyon na pwedeng kantahin ng mga gago
Tara, samahan niyo 'ko na muling maglibang
Para sa mga katulad mong nag-aalangan
Teka lang, 'di naman kailangang magmadali
Dapat lang siguro na 'wag kang magpapahuli
Sapagka't ang oras natin ay may katapusan
Kailangan mong gamitin sa makabuluhan, pasok
Teka muna, teka muna, teka muna, teka
Katatapos ko lang isulat ang mga letra
Hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara
Kasama ko ulit, pinakamalupit na banda
Pero ngayon ay babaguhin ang tema
Ito'y awit na sasaludo sa mga nauna
Musikero, gitarero, tambulerong magaling
Kahit kaninong itapat, sa'n pang labanan, angat pa rin, chorus
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Nagsimula kami ng mga '93
Mga batang 'di mapigil sa pagpursigi
Mga batang 'di maawat ng mga hadlang
Sapagka't sila'y nakatingin sa pupuntahan
Namulat sa Heads at kay Sir Magalona
Alam ko sa loob ko na nagsisimula na
Sila ang nag-supply at naglagay ng gasolina
Si Kiko kay Gloc at ang E-heads sa Parokya
Ibang klase ang pinoy 'pag dumating na sa tugtugan
Nagyuyugyugan, siguradong hindi ka magtutulug-tulugan
'Pag narinig mo ang bagong gawa ni Chito at ni Gloc
Kung ika'y sa 'min sumasangayon ay pumalakpak
Nang malakas, itaas ang kamay sumigaw
Para sa tatlong bituin at isang araw
Mga bata rin kami at katulad ng iba
Tagahanga rin kami ng mga kanta nila, ayos
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari
Ang gusto lamang naming sabihin, pangarap ay laging habulin
Kahit na kinakapos ang hininga mo'y pigilin
Initin natin ang kalan para tubig kumulo
Kailangan timbain ang poso para balde mapuno
'Wag kang magpapabola sa iba, hindi 'to madali
Kung mayro'ng gusto, pare, 'wag kang magmadali
Tatama ka rin kahit medyo puro mali
Ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati
Kasi isa lang ang tatandaan
Walang nakaharang na 'di kayang lampasan
Para 'di ka mahuli, kailangan mong paspasan
Lagi mo pataliminin, ikaskas sa hasaan
Ang kutsilyo, martilyo ang kailangan
Para palabugin lagi ang pako
Ikutin ang antenna kung TV ay malabo
'Wag kang matakot na tumaya ng pati pato, kanta na
Nandito na naman kami
Nagkakantahan sa isang tabi
Katulad ng dati, pagkatapos ng klase
Lagi kang mayro'ng katabing nagsasabing
'Wag kang magkakamali
Palampasin ang sandali
Kailangan palagi positibo parati
Dapat maniwala ka na mayro'ng mangyayari



Writer(s): Chito Miranda, Gloc-9


Parokya Ni Edgar - Bente
Album Bente
date of release
16-03-2014




Attention! Feel free to leave feedback.