Rachelle Ann Go - Isang Lahi Lyrics

Lyrics Isang Lahi - Rachelle Ann Go



Iisa lang ang ating Lahi
Iisa lang ang ating lipi
Kung ang tinig mo'y 'di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig?
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon?
Kung bawat pagdaing ay laging pabulong
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y 'di totoo
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal?
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
'Di ba't ang gabi ay mayroong wakas?
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magka-isa bawat nating pangarap
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo?
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
(Sa palad mo, sa palad mo)
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi, iisa lang ang ating lipi
Bakit 'di pagmamahal ang ialay mo?
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
(Sa palad mo, sa palad mo)



Writer(s): Saturno Vehnee


Rachelle Ann Go - Isang Lahi
Album Isang Lahi
date of release
01-06-2017




Attention! Feel free to leave feedback.