Regine Velasquez - Ikaw Sa Paskong Ito Lyrics

Lyrics Ikaw Sa Paskong Ito - Regine Velasquez



Nadarama mo ba?
Simoy ng hangin ay pasko na
At laking ligaya na makapiling ka lamang
Sa paskong ito
Kaya′t sana'y iyo nang pakinggan
Ang tanging hiling ng pusong naghahangad
Na ikaw, sinta, sa paskong ito
Sa bawat sandali
Walang ibang hinahanap kundi ikaw lamang
Huwag sanang pahirapan pa
Pusong nangangarap sa paskong ito
Kaya′t sana ay iyo nang pakinggan
Ang himig ng damdaming umaawit na
Ikaw, sinta, sa paskong ito
Walang ibang maiaalay
Kundi itong wagas na pag-ibig ko
Na sa paskong ito
Ang tanging handog sa iyo
Kaya't sana ay iyo nang pakinggan
Ang tanging hiling ng pusong naghahangad
Na ikaw, sinta, sa paskong ito, oh
Kaya't sana ay iyo nang pakinggan
Ang himig ng damdaming umaawit na
Na ikaw, sinta, at wala nang iba
Ikaw lamang sa paskong ito



Writer(s): Jondi Samson


Regine Velasquez - Love Was Born On Christmas Day
Album Love Was Born On Christmas Day
date of release
27-01-2014




Attention! Feel free to leave feedback.