Ryke - Piling Lyrics

Lyrics Piling - Ryke



Sa piling mo, ako'y binitin mo
Isipin mo gabi gabing napapa-naginipan to
Pinaniwalang yun ang mundo ko
Kaya ngayon ay parang wala na ko sa mundong ito
Pakiramdam ko'y wala kong halaga
Wala akong silbi at mas tanga pa sa tanga
Kasalanan bang ako'y umasa
Naging kampante noon at ngayon balisa na
Palibhasa sino bang di maaakit
Inosenteng walang kasinungalingang bahid
Ang wangis ng iyong mukha pagtapos ng halik
Yung tamis pala nun ay may pait na balik
Ugh, dapat ko ba tong maranasan
Akala ko'y swerte na putanginang kamalasan
Ramdam mo ba o parang sayo ako ay wala lang
Iniwan mo sa ereng walang timbre at paalam
Langit sakin ang makapiling mo
Pero dapat ko bang ipilit to
Langit sakin ang makapiling mo
Pero dapat pa bang ipilit to
Baliwala mga sakripisyo
Kahit na mapuyat makausap ka lang mismo
Hindi na iniisip ang sarili
Kasi ikaw lang naman lagi aking pinipili
Ikaw ang mas mahalaga
Akala ko ikaw na nga
Pag masyado bang perpekto di nagtatagal talaga?
Bawal na nga ba akong sumaya
O nagkamali lang ba na buong buo tumaya
Kase ganyan ako umibig
Sagad sa buto't sa litid
Ang lalim pag sinisid
Tapos bigla kang nanahimik
Halos mabaliw na ako kahihintay sa gilid
At di ka na nagparamdam
Ilang daang tanong at ilang libo ang patlang
Bakit mo nga ba nagawa to?
Bigla kang dumating tapos bigla ka ding naglaho
Langit sakin ang makapiling mo
Pero dapat ko bang ipilit to
Langit sakin ang makapiling mo
Pero dapat pa bang ipilit to



Writer(s): Jose Jr. Morales


Ryke - Piling
Album Piling
date of release
01-05-2019

1 Piling



Attention! Feel free to leave feedback.