Sarah Geronimo - Ako'y Para Lamang Sa 'Yo Lyrics

Lyrics Ako'y Para Lamang Sa 'Yo - Sarah Geronimo



Nasaan ka? Nasa mabuti ka bang kalagayan?
Naaalala mo kaya ang ating mga pinagsamahan?
'Di ko alam kung ba't pinaghiwalay pa ng tadhana
Ang laging dasal sa Maykapal ay ika'y alagaan
Pinangakong hindi ka iiwan
Sa pangarap, ikaw ang kasama
Hinayaang ikaw ay lumisan
Sana'y malaman mo na
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit sa'n ka pa naroroon, sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang sa 'yo, oh, oh
Nasaan ka? Araw-araw kang nasa 'king isip
At tuwing gabi ay nariyan ka sa bawat panaginip
Pag-ibig sa 'yo'y 'di titigil
Kahit pa mundong ito ay maglaho
Kapalaran ko'y nariyan sa piling mo
'Di susuko sa paghahanap sa 'yo
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit sa'n ka pa naroroon, sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang sa 'yo
Umaasang muling makapiling ka
Kailangan kita sa 'king buhay
Hanggang mamatay
Hahanapin ka't maghihintay
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago, oh
Ako'y para lamang sa 'yo
Kailanma'y 'di ito magbabago
Kahit sa'n ka pa naroroon, sinta
'Di titigil hanggang makapiling kang muli
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ako'y para lamang, para sa 'yo, oh, oh



Writer(s): Totop Suzara


Sarah Geronimo - The Great Unknown
Album The Great Unknown
date of release
04-12-2015




Attention! Feel free to leave feedback.