Smugglaz - Sikreto Lang Lyrics

Lyrics Sikreto Lang - Smugglaz

H'wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa
Marami kang katulad, hindi ka naiiba
Sa mga pangkaraniwan o sa karamihan
Na mga taong tulad mo 'di na palaging biktima
Ng mga dulot ng nakaraan, bigat na 'di mapagaan
Basta't maging handa, sa kasalukuyan ay nakadagan
Mga hapdi't kirot na hindi pa din limot
Na nilalaro pati ng isip mong malikot
Mahirap mang kalimutan lahat ng kabiguan
Sa tadhana, kabiruang madalas makapikunan
Ay magtiwala, h'wag kang matakot sa kabila ng mga inabot
Hanapin ang regalo sa bulwagan na nakabalot
Tulad sa kung pait ng tadhana, namanhid na ang panlasa
Minatamis, magtiis hanggang makamit lang pag-asa
Na aking panghahawakan kahit ba nasa'n ako ngayon
Mas ganado maglakbay 'pag alam mo kung sa'n patungo
(Kung sa'n patungo, kung sa'n patungo)
Sa mundong ibabaw, natural may gabi at araw
Parang buhay ng tao, laging may positibo't negatibong bagay
Pero depende nalang sa'yo kung pa'no mo tingnan
Ano mang nakikita, 'pagkat lumalapit tanong ang nasa aking isipan
Ganiyan, isipin mo kaya
H'wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa
Marami kang katulad, hindi ka naiiba
Sa mga pangkaraniwan o sa karamihan
Na mga taong tulad mo, 'di na palaging biktima
Ng mga takot sa hinaharap, kahit 'di pa nagaganap
Kung 'di mo naman gusto, bakit gusto mo nang nilalasap
Bukas ano man ang datnan sa harapan
Dapat paghandaan at h'wag mo lang abangan
Makasalanan ang lahat pero 'tindihin niyo nalang
Walang perpekto pero dapat kabutihan ang laman
Anoman ang hulugan sa'ti'y dapat mong pag-igihan
Gawing makabuluhan, bawat bakas mong maiiwan
Tulad no'ng pait sa ng tadhana, namali man ng panlasa
Minatamis, magtiis hanggang makamit lang pag-asa
Na aking panghahawakan kahit ba nasa'n ako ngayon
Mas ganado maglakbay 'pag alam mo kung sa'n patungo
(Kung sa'n patungo, kung sa'n patungo)
Sa mundong ibabaw, natural na may gabi at araw
Parang buhay ng tao, laging may positibo't negatibong bagay
Pero depende nalang sa'yo kung pa'no mo tingnan
Ano mang nakikita, 'pagkat lumalapit tanong ang nasa aking isipan
Ganiyan, isipin mo kaya
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo

H'wag mong isipin ang ayaw, isipin mo ang gusto mo
H'wag mong isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag mong isipin ang ayaw, isipin mo ang gusto mo
Nang sa huli ay wala kang pagsisihan
Ano mang problema sa inyong sarili ay h'wag ipagkaila
Basta lahat ay simulan mo lang sa iyong isipan
Bago mo singitan ng gawa at salita, lahat ng pagbabago
Ang ibig ko lang sabihin ang kapangyariha'y mabisa
'Pag alam mo kung paano gamitin lahat ng pagbabago
Ang ibig ko lang sabihin ang kapangyariha'y mabisa
'Pag alam mo kung paano gamitin, 'pagkat
Sa mundong ibabaw, natural may gabi at araw
Parang buhay ng tao, laging may positibo't negatibong bagay
Pero depende nalang sa'yo kung pa'no mo tingnan
Ano mang nakikita, 'pagkat lumalapit tanong ang nasa aking isipan
Ganiyan, isipin mo kaya
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag mong isipin ang ayaw, isipin mo ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag mong isipin ang ayaw, isipin mo ang gusto mo
(Ang gusto mo, ang gusto mo, ang gusto mo, ang gusto mo)

(Ang gusto mo, ang gusto mo)
Yeah (Yeah) Smugglaz (Smugglaz, Smugglaz)
Ikaw ang naiisip ko (Ikaw ang naiisip ko, ikaw ang naiisip ko)
Ito ang naiisip ko (Ito ang naiisip ko, ito ang naiisip ko)
Sikreto lang (Sikreto lang)
H'wag isipin ang ayaw, isipin ang gusto mo
H'wag mong isipin ang ayaw, isipin mo ang gusto mo
(Ang gusto mo, ang gusto mo, ang gusto mo, ang gusto mo)

Writer(s): Lao Bryan

Smugglaz - Walking Distance
Album Walking Distance
date of release
31-07-2015

Attention! Feel free to leave feedback.