The Ultimate Heroes - Huling Sandali (Punk Rock Version) Lyrics

Lyrics Huling Sandali (Punk Rock Version) - The Ultimate Heroes



Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa tuwing ako'y papalapit sa 'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't 'wag mong bitawan
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa tuwing ako'y nakatingin sa 'yo
Maaari bang huwag kang humiwalay?
Dahil sandali na lang
Darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa sa huling pagkakataon
Na ika'y magiging akin
Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasingsakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa 'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?
Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dal'wa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa 'tin
At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako'y maghihintay sa 'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?
Kahit sandali (kahit sandali)
Palayain ang pusong 'di mapigil (pusong 'di mapigil)
Sana'y tayong dal'wa sa huling pagkakataon (pagkakataon)
Na hindi na para sa 'tin (na hindi na para sa 'tin)
Kahit sandali
Patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sa 'ting dal'wa ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin



Writer(s): Ronzel Benedict Bautista


The Ultimate Heroes - Punk Rock Covers Vol. 2
Album Punk Rock Covers Vol. 2
date of release
07-06-2019




Attention! Feel free to leave feedback.