Top Suzara - Sabihin Mo Na Lyrics

Lyrics Sabihin Mo Na - Top Suzara



Gusto kong magpaliwanag sa iyo
Ngunit 'di kinakausap
'Di ko inasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit 'di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit, sinta
Sana'y maniwala ka
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na
Kung papaano mo mapapatawad
Ilang araw mo nang hindi pinapansin
Ilang araw pa'ng lilipas?
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas
Lahat naman tayo'y nagkakamali
Sinong 'di nagsasala?
Ngunit papa'no babawi sa pagkakamali?
'Yun ang mahalaga
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Patawarin mo sana, sinta
'Di ko sinasadya
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa 'yo
Sabihin mo na
Papaano mo mapapatawad
Sabihin mo na, sinta
Kung papano mo mapapatawad
Oh-oh



Writer(s): Top Suzara


Top Suzara - Carry On
Album Carry On
date of release
04-04-2006




Attention! Feel free to leave feedback.