esseca feat. Chelly - Laro Lyrics

Lyrics Laro - esseca feat. Chelly



Pa-pa-pano nagawang magtago ng nadarama (nadarama)
La-la-la-laro lang ba sinta, kaya lumisan ka (lumisan ka)
O bakit ba hindi mo sinabi
Nung una wala ka man lang pasintabi
Ako ay nahulog sa labi
Sa iyong tingin akoy nadale
Gabi ay madilim at di kasali
Walang pake kung sino man magalit
Isang gabi lang to at di na bale
Lahat ay lalakaran makalapit
Lang ako sayoo
Bibigay lahat sayo
Tanggapin lahat ng 'to
Pero ba't nilisan mo
Pa-pa-pano nagawang magtago ng nadarama (nadarama)
La-la-la-laro lang ba sinta, kaya lumisan ka (lumisan ka)
Mag-usap tayong masinsinan wag yung palihim
Habang gumagabi naiinip dumidilim
Sinulat mga letra sa pisara na handang magsimula ng panibago
Sapagakat inilihis lang tayo ng tadhana sa alternatibong negatibong
Pagtibok ng pusong nanlalamig nagmamakaawa sa pag-ibig na
Hinihiling mo sa iba
Kahit ang kailangan lang naman ay paglambing sa tamang paraan
Gumagawa lang ng daan upang maitawid ang kalungkutan nating
Lumalaki sa bawat araw na lumilipas
Walang ka kupas kupas
Ibang mga lalake tila nga nabibighani
Gustong mapasaakin ang iyong mga ngiti
Ikaw lang talaga ang aking minimithi
Pa-pa-pano nagawang magtago ng nadarama (nadarama)
La-la-la-laro lang ba sinta, kaya lumisan ka (lumisan ka)
Pa-pa-pano nagawang magtago ng nadarama (nadarama)
La-la-la-laro lang ba sinta, kaya lumisan ka (lumisan ka)
Hey lil mama
Halika na't sumama
Ayoko maglaro kaya ikaw na ang bahala
Hey lil mama
Akoy sawang sawa na
Ayokong pag patuloy kung alam kong di na tama



Writer(s): Karl Ayn Escalona


esseca feat. Chelly - Laro
Album Laro
date of release
04-06-2019

1 Laro



Attention! Feel free to leave feedback.