Asin - Hawak Mo paroles de chanson

paroles de chanson Hawak Mo - Asin



Hawak mo ang aking damdamin
Buong tiwala ito'y ibinigay
Maari mo itong angkinin
Sa puso mo ito'y itanim
Puwede mo rin durugin
O di kaya'y bitinin
Lagi mo lang alalahanin
Ikaw ang taga pag-ingat ng puso ko.
Hawak mo ang aking buhay
Buong tiwala ito'y inialay
Maari mo itong tanggapin
Sa puso mo ito'y kupkupin
Puwede mo rin usigin
O di kaya'y hamunin
Lagi mo lang alalahanin
Ikaw ang taga pag-ingat ng puso ko.
Ano man ang gagawin
Sa puso ko't damdamin
Ingatan mo't yakapin ang tunay
At tapat mong pag-ibig
Sana ay iyong madama
Pag-ibig mo ay mahalaga
Tanging ikaw; ikaw lamang ang taga pag-alaga
Lagi mo lang alalahanin
Ikaw ang taga pag-ingat ng puso ko
Hmm, hmmm
Ang puso ko ay hawak mo
Ang buhay ko ay hawak mo
Ang puso ko ay hawak mo
Ang buhay ko ay hawak mo
Pag-ibig ko para sayo
Hmm, hmmm
Hmm, hmmm



Writer(s): Chat Aban, Pendong Aban


Asin - Asin Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy
Album Asin Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy
date de sortie
06-03-2009




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.