Asin - Pagbabago? paroles de chanson

paroles de chanson Pagbabago? - Asin



Nakakasawa ang mga pangako
Nakakapagod din ang maghintay
Ang mga pangakong laging napapako
Sa pagtitiwala ay pumapatay
Nakakapagod din ang umasa
Lalo't ang bituka ay walang laman
Napaka ilap sa mahirap ang hustisya
Lalo't bansa ay hawak lang ng iilan
Nag people power 1, nag people power 2
Ang buhay natiy' di parin nagbabago
Nag people power 1, nag people power 2
Ngunit hindi parin tayo natutoto
Maghapo't magdamag sa pabrika
Kayod kalabaw sa bukirin
Ulani't arawin tayo sa kalsada
Maisulong lamang ang Adhikain
Hinarap na nating ang lahat ng hirap
Binalikat ang lahat ng pasanin
Ngunit ang bunga ng ating pagsisikap
Sinasarili lamang ng mga sakim
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa'ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa'ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang pang-harang sa tanke
Tayo ang pang-bala sa kañon
Habang nag-aabang ang mga buwitre
Nag-hihintay ng tamang pag-kakataon
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa'ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang nag-tanim, ang nag-bayo, at nag-sa'ing
Ngunit ng maluto ay iba ang kumain
Tayo ang pang-harang sa tanke
Tayo ang pang-bala sa kañon
Habang nag-a'abang ang mga buwitre
Bantay-Salakay na mga leader ng nasyon
Kahit mag EDSA 3, Kahit mag EDSA 4
Ang buhay natiy' di parin magbabago
Kahit mag people power tayo ang talo
Hanga't hindi tayo natututo...



Writer(s): Jess Santiago


Asin - Asin Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy
Album Asin Pag-ibig, Pagbabago, Pagpapatuloy
date de sortie
06-03-2009




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.