Asin - Lumang Simbahan paroles de chanson

paroles de chanson Lumang Simbahan - Asin



Sa lumang simbahan
Aking napagmasdan
Dalaga't binata
Ay nagsusumpaan
Sila'y nakaluhod
Sa harap ng altar
Sa tig-isang kamay
May hawak na punyal
Kung ako'y wala na
Ang bilin ko lamang
Dalawin mo giliw
Ang ulilang libing
At kung maririnig mo
Ang taghoy at daing
Yao'y pahimakas
Ng sumpaan natin
At kung maririnig mo
Ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw
At kung maririnig mo
Ang tugtog ng kampana
Sa lumang simbahan
Dumalaw ka lamang
Lumuhod ka giliw sa harap ng altar
At iyong idalangin ang naglahong giliw



Writer(s): Emilio Tapang


Asin - Sinta Himig Kayumanggi 2
Album Sinta Himig Kayumanggi 2
date de sortie
20-11-2008




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.