Freddie Aguilar - Mga Bata Sa Negros paroles de chanson

paroles de chanson Mga Bata Sa Negros - Freddie Aguilar



Naiiyak ako sa aking nakita kaibigan
Ang mga bata sa Negros ay kumukulo ang tiyan
Wala silang makain, ang gutom tinitiis na lang
May mga pinanawan ng buhay dahil sa kagutuman
Sila ba′y panonoorin lang kababayan
Pabayaan bang sila'y mangamatay sa kagutuman
Alam kong marami pang mabubuting mamamayan
Ang mga puso nati′y buksan, sila ay tulungan
Sagipin natin mga bata sa Negros
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo
Sila ay kapatid natin kabayan ko
Tayo na kasama ko habang mayroon pang panahon
Pagtulung-tulungan natin nang sila'y makaahon
Sa kuko ng kamatayan na dulot nitong gutom
Ang mga bata sa Negros ay ating sagipin
Sagipin natin mga bata sa Negros
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo
Sila ay kapatid natin kabayan ko
Sagipin natin mga bata sa Negros
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo
Sila ay kapatid natin kabayan ko
Sagipin natin mga bata sa Negros
Ikaw at ako tayo ang tutubos
Sino pa ang tutulong kundi tayo
Sila ay kapatid natin kabayan ko ohh hmm



Writer(s): Freddie Aguilar


Freddie Aguilar - The Legends Series: Freddie Aguilar
Album The Legends Series: Freddie Aguilar
date de sortie
28-03-2001




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.