Gloc 9 feat. Loonie - The Bobo Song paroles de chanson

paroles de chanson The Bobo Song - Gloc 9 feat. Loonie



Lahat ng nakikita ko
Lahat ng nakikita ko
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Ang pinilakang-tabing na sariling atin
Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing
Walang palabas at mas madalas ang patalastas
Sa aming telebisyon, biglang naisip ko ang aking
Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin
Ako ay pilipino sa isip at sa damdamin
Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita
Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita
At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog
'Pag malapit na maluto ang sinaing
Huminahon ka itay, baka ka mabulunan
Sa laki ng binayad mo, wala 'kong natutunan
Ni kapiranggot mula nung unang baitang
Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am
Ng pambili ng kanin, chicken adobo
Araw-araw ganito, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Pulitiko na sa showbiz, posible na pala
Ang dami nang artista sa pulitika
Tanga, bobo, inutil, walang pinag-aralan
Hangal, hung-hang, sino bang pinagmanahan?
Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata
Upang mapansin ka ng madla
Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu
In the loop sa chika chuvanes ke churva eklavu
Mga tsismis na nahuli na nang isang dekada
May pelikula kaya ngayon sila'y mag syota
The who itong starlet na sa banyo nadulas
'Wag na 'wag mong ililipat' susunod na sa The Buzz
One, two, three, teka lang nauna me
Makakakita ka ng mga natapakan sa TV
Habang kumakain ng kanin, chicken adobo
Ayoko ng ganito, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo 'to, kala mo alam mo 'yan
Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam
Kasi lahat ng nakikita mo, akala mo tama
Maghapon ka sa TV mo na nakatunganga
Nakapangalumbaba simula pa nung bata
'Di naman importanteng magpakadalubhasa
Ang akin lang naman, ikaw ay maliwanagan
'Wag na 'wag mong gawing dahilan ang kahirapan
Maniwala, pero 'wag umasa sa himala
Wala pang nananalo sa lotto na 'di tumataya
Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong
Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong
Kung ang pag-iisip para sa 'yo'y nakakangawit
Ibenta mo ang utak mo kung 'di mo ginagamit
'Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampao
Pilipino lang ako 'pag nananalo si Pacquiao
'Pag narinig ko ang kanin, chicken adobo
Nakakaindak kahit nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko, nakakabobo
Kahit nakapikit ako, nakakabobo
Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako
Nakaka, nakaka, nakakabobo
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit
Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit
Kala mo alam mo 'to, kala mo alam mo 'yan
Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan
Kala mo porket mahirap ka, hanggang diyan ka na lang
Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam
Bobo



Writer(s): Aristotle Pollisco, Marlon Peroramas


Gloc 9 feat. Loonie - Matrikula
Album Matrikula
date de sortie
28-07-2008



Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.