Harvest - Mas Maligayang Pasko paroles de chanson

paroles de chanson Mas Maligayang Pasko - Harvest



Matindi ang trapik, abala′t naghahabol
Ang lahat na yata ng mga tao nasa mall
At nagsisiksikan para bang magagahol
Walang nagbibigayan, nagkabuhol-buhol
Pagod na ang isip, katawan at ang bulsa
P'ano kakayanin na ito ay mapagkasya
Munting nakayanan ay magustuhan sana
Kahit di mamahalin, pasensyahan mo na
Panahon na naman ng regalo
Minsan lang ′sang taon ang gan'to
Dagdagan natin ang aginaldo
Heto... dinggin mo
Mas maligayang pasko
Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko
Tulong-tulong ang lahat, nagsasama nang tapat
Ibang klaseng monita-monito
Para sa'kin at sa′yo
Mismong mas maligayang pasko
Bakit nagdiriwang? Ano nga ba ang diwa?
Kung hindi ang alay na pag-ibig na dakila
S′yang laan sa ating kinalulugdan Niya
Nagmula sa langit, wagas ang pagsinta
Si Hesus ang tunay na regalo
Handog para sa'kin at sa′yo
Gloria in excelsis Deo
Amen... Immanuel
Mas maligayang pasko,
Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko,
Tulong-tulong ang lahat, nagsasama nang tapat
Ibang klaseng monita-monito
Para sa'kin at sa′yo,
Mismong mas maligayang pasko... oh
Kung may pagkakaisa, kahit magkakaiba
Mas maligayang pasko,
Tulong-tulong ang lahat, nagsasama nang tapat
Ibang klaseng monita-monito
Para sa'kin at sa′yo,
Mismong mas maligayang... Pasko!



Writer(s): Jungee Marcelo


Harvest - Mas Maligayang Pasko
Album Mas Maligayang Pasko
date de sortie
25-11-2019




Attention! N'hésitez pas à laisser des commentaires.